Kasikatan, kayamanan at kapangyarihan ay lilipas din..., Purpose |
![]() |
|
![]() ![]() |
Kasikatan, kayamanan at kapangyarihan ay lilipas din..., Purpose |
May 10 2011, 07:11 AM
Post
#1
|
|
|
AF Fan Group: Members Posts: 61 Joined: 17-March 11 |
Lahat ng bagay sa mundo ay hindi nagtatagal at may katapusan at pagkatapos ng iyong buhay ay ang pag huhukom.
Oo hindi ito pananakot kundi isang katotohanang dapat mong malaman kung paanong pinamuhay mo ang buhay mo at binalewala ang mga bagay na Spiritual, ang Diyos at Salita Niya na laging nagpapaalala sayo. Wag mong ituon ang paningin mo sa makasanlibutang bagay sa mundo at sa kasalanan na sumisira sa buhay ng isang tao, nagpaparumi at nagpapahamak sa kanya. Napakabuti ng Diyos at Siya ay banal at matuwid na hatol… dahil sa laki ng pag-ibig Niya ay nai-alay ang Panginoong Hesus sa krus upang tubusin tayo at iligtas ka sa pagtanggap at pananampalataya mo sa Kanya. Kung pagod ka na sa buhay mo at tila nawawalan ka na ng pag-asa… bakit hindi mo isuko ang iyong buhay at ituon ang sarili mo sa pinakamahalagang purpose at bagay sa mundo. Na wag mong sayangin ang iyong oras at ang iyong buhay sa bawat sandali na at mga pagkakataong ibinibigay sa iyo ng Diyos. Lahat ng pangyayari at sakuna, paghihirap ay kagagawan din ng tao at parusa ng Diyos sa kasalanan… sa paglimot ng tao, sa pride, pagmamakasarili, kasamaan at hindi pagsisisi ng tao. Ikaw kaibigan ay kinakausap ng Diyos at ikaw ay tinatawag ng Panginoong Diyos upang I confess mo ang iyong Kasalanan at tanggapin si Hesus bilang Panginoon mo at Tagapagligtas. Wag kang maniniwala sa kung ano anong sinasabi ng tao, mga relihiyon at doktrina na hindi naayos sa sinasabi ng Salita ng Diyos pagka’t ililigaw ka ni satanas at tuluyang sisirain ang buhay mo. Gaano mo kamahal ang Diyos? Kung sinasabi mong Kristiano ka, ginagawa mo ba ang kalooban ng Panginoon bilang bunga ng iyong pananampalataya? At isipin mo kung bakit walang nangyayaring pagbabago sa buhay mo? At kung bakit hindi mo nahahanap ang kasagutan sa buhay mo na puno ng kalungkutan at galit. Ito ay dahil hindi mo isinusuko ang lahat sa Kanya at hindi ka nakukuntento sa buhay mo, na iyong nawang mahalin ang iyong kapwa at tumayo ka sa katotohanan at labanan mo ang kasamaan sa buhay at lipunan. Tulad ng isang awitin na ito: kailan pa ibibigay ang buhay mo’t lakas sa Kanya na nagbigay sa iyo ng buhay na wagas, ang pangalan Niyang banal kailan itatanyag? Kung wala ng pagkakakataon o huli na ang lahat… at kung ang araw mo’y lumipas na, makuha mo pa kayang Siya ay paglingkuran? Kailan pa kaya maglilingkod sa Diyos? Kung hindi ngayon… kailan pa? 2 timothy 2: 22Flee also youthful lusts: but follow righteousness, faith, charity, peace, with them that call on the Lord out of a pure heart. (Based on successful Youth Camp 2011) This post has been edited by Adrian22: May 10 2011, 07:11 AM |
|
|
|
May 23 2011, 08:59 AM
Post
#2
|
|
|
AF Fan Group: Members Posts: 61 Joined: 17-March 11 |
Akala kasi ng ibang tao na ang buhay sa mundo ay ang tunay na buhay hindi alam ng iba na sa kanilang pagpanaw ay may kahatulang naghihintay dahil sa kasalanan..." Ikaw kung anong pinamuhay mo at kung sinampalatayanan mo ba si Kristo na tanging daan sa langit. maraming mga sirang pamilya, ka immoralidad, at mga namamatay sa aksidente, isama mo pa ang korupsyon at kahirapan sa bansa, Ang gawa ng tao ay may konsekwensya tulad ng matagal ko ng ipinangangaral na ang tao ang pumipili sa tama o maling desisyon. Hindi kailanman nagkulang ang Diyos sa paalala at Kanyang pagtawag sa iyo at sa mga iba na patuloy iniignore ito, tulad ng panahon ni Noah, sa muling pagbabalik ni Hesus ay magugulat nalang ang tao... tapos sasabihin ng iba kung bakit nagkakagulo sa iba at naghihirap ang ibang tao hindi nila nakikita ang mga kultong relihiyon at ang kasamaang nagkalat, hindi nagbabago at hindi nagkakaroon ng tunay na kasiyahan at kapayapaan dahil wala kay Kristo. at patuloy sinisiraan pa ng iba ang mga lingkod ng Diyos at nangangaral ng katotohanan dahil ang mga naninirang ito ay walang magawang tama sa buhay nila... this is not judging people at hindi rin dahil magaling ako o sila or malinis or perpekto na ako, but this is a warning at pagpapakita lamang sa sinasabi, ugali ng mga taong walang Diyos at patuloy ayaw umunawa sa Salita ng Diyos na banal at totoo. at ang iba na nagsasabing Kristiano sila pero hindi naman ginagawa ang kalooban ng Diyos o tumatayo sa katotohanan ay nabubuhay sa pansarili at nakikipag isa sa makamundong gawa! nakakalungkot na kung bakit hindi dumadating ang revival...sana ay magising na ang maraming tao sa katotohanan at realidad na kailangan nila si Hesus upang mabago, magkaroon ng purpose... dahil sila rin ang mawawalan kung sakali. "I feel the stress, pressures and persecutions... but still i will not stop in sharing the Gospel" -James307 |
|
|
|
![]() ![]() |
| Lo-Fi Version | Time is now: 21st May 2013 - 04:15 PM |