Tinanong namin si Mayette Concepcion (mommy ni Valerie Concepcion) gayundin sa manager nitong si Becky Aguila pero walang deretsahang pag-amin kung totoo ngang buntis ngayon ang young actress kahit maraming nagsasabing totoo ang balita. Gayunman kung ang kanilang desisyon ay huwag na lamang magpa-interbyu ay igalang na lang natin.
Sakaling totoo nga ang balita tungkol kay Valerie ay huwag natin siyang husgahan. Nangyayari naman ito sa ibang kabataang tulad niya, gaano man siya kabusog sa pangaral at pagmamahal ng magulang. Mabait na bata si Val, nanggaling sa mabuting pamilya kung saan kasa-kasama pa ang kanyang ina sa lahat ng lakaran. Kaso, sa murang edad ay umibig ito at ang pag-ibig ay di niya nakontrol. Sadya yatang mapagbiro ang tadhana dahil kung kailan papaakyat sa tugatog ng tagumpay ang magandang young actress ay saka naman naging kaagaw ang pag-ibig. Hindi naman kasalanan ang magmahal kaya lang wala ito sa tamang panahon.
Ang daming projects ni Valerie ang maisasantabi gaya ng mga TV shows at nakalinyang pelikula pero suportado siya ng kanyang Kapuso sa GMA. Sakaling magpahinga siya ay dalawang kamay itong tatanggaping muli dahil sa kabaitan, propesyonalismo at mahusay na pakikisama sa lahat.
Nanggaling ang dalagita sa mabuting angkan at madasaling pamilya kaya kung buntis man siya ay alam naming hindi siya pababayaan ng kanyang magulang sampu ng kanyang mga kapatid. She will keep the baby and never niya itong ipagpapalit kahit kaninuman o kahit pa sa kanyang career, base sa pagkakakilala namin sa kanya.
Kusang dumarating ang ganitong pagkakataon sa buhay ng isang tao pero alam naming malalampasan ito ni Val. Kung siya man ay nadapa ngayon, alam naming marunong siyang bumangon dahil matalino si Val. Ang mahalaga, anytime ay tatanggapin ang kanyang pagbabalik sa GMA dahil she’s an asset. Ang kailangan ngayon ni Val ay higit na pang-unawa mula sa atin. Sana ay patahimikin na lang natin siya! Angel, Iniyakan Si Val
Group pictures of CLICK
