QUOTE(j_diddy @ Feb 11 2007, 03:13 PM) [snapback]2719315[/snapback]
Boracay is nice ONLY IF you have the money.
of course not! even if you have little money, you can enjoy boracay.
here's how!
Punta ka ng Cubao, Sa likod ng Ali Mall may Bus Terminal dun, sumakay ka ng Bus byaheng Caticlan/Roxas/Ilo-ilo basta papuntang panay.
mura lang mga 1,200 lang! o eh di sabihin natin 3,000.00 and balikan may pang yosi ka pa.
pagdating mo Caticlan, Aklan, Sakay ka ng Pampasaherong Banka papuntang Boracay, siguro wala pang 30 pesos and pamasahe dun.
Ihahatid ka nung Banka sa Area #3. Ang Area #3 ay Lugar na pang pinoy, mura dun!
Ok, kung gusto mo maka libre ng Accomodation, Magdala ka ng Tent, anyway ang pinakamababang rate ng room sa Area #3 ay more or less 800 Php.
Gusto mong murang pagkain, pumunta ka ng Palenke, Bagtasin mo lang hanggang dulo. pagdating mo sa dulo may pilahan ng tricycle. sa pilahan ng tricycle may mga kainan dun pang MASA ang PRESYO KAPATID.
yun may barangay dun, provincial style. BAT KALA NYO BA ANG BORACAY AY PURO HOTEL!
Along the Coast lang naman ang puro mga restaurant at kung ano-ano, pero sa gitna ng BORACAY ay isang Community, and for ALL OF YOU PEOPLE WHO DO NOT KNOW, MAY MGA ATI COMMUNTY DIN SA BORACAY.
MAY IBA PANG DISKARTE NA MAS MURA PAPUNTANG BORACAY:
1. Sakay ka ng Bus Papuntang Batangas Port, Tapos Sumakay ka dun ng RORO papuntang MINDORO, Pagdating ng CALAPAN, MINDORO Sakay ka ulit ng Bus or FX byaheng ROXAS, MINDORO.
Pagdating ng ROXAS PORT, sakay ka ulit ng RORO byaheng CATICLAN, AKLAN (Gateway to Boracay).
Tapos yun, Sakay ka ng Banka papuntang Boracay....
2. Sakay ka ng SuperFerry Byaheng Caticlan, Aklan. tapos ayon dun na!