QUOTE(Suzuka00 @ Oct 14 2007, 02:38 PM) [snapback]3266029[/snapback]
hindi ako maka-communista I am anti-gloria
yng gloria na iyan tuta ng kano puppet ng america.
sabi nga nung mga nag edsa 2 na mas malala yung napaupo nila kapalit ni erap.
kaninong kasalanan ngayon yan na pinagdudusahan ng buong pilipinas?
At kung palitan ngayon ninyo si Gloria sa bagong bersiyon ninyong EDSA, si Noli ba ang uupo? Sigurado ba kayong hindi siya maging malala pa kay Gloria o kun sino man ang papalit niya?
Bakit kayo lang sa Luzon lalo na sa Metro Manila ang nag dedesisyon para sa buong Pilipinas? Mas may karapatan ba kayo sa mga taga Visayas at Mindanao?
Sinong presidente ba ng Pilipinas ang hindi naging "tuta ng kano"? Mula sa pagka mulat ko ng isipan, yan nalang lagi ang naririnig ko sa mga aktibista. At sa limang Presidente naraanan ko lahat sila binansagan "tuta ng kano", "Fascist", "berdugo", "anti-human rights", " _____ resign!", etc. pero sa pagkaka-alam ko isa lang ang tama doon at eto ay ang "Corrupt".
Pero bakit isa lang ang ating sinisisi? Hindi ba dapat ang ating sisihin ay ang ating mga sarili? Bakit ika 'nyo? Dahil nagpabaya tayo! Tuwing eleksyon, sino ba ang kinakampanya natin? sino ba ang binoboto natin? 'Di ba puro mga corrupt din? Kasi wala tayong paki-alam!
Mas binibigyan pa natin halaga ang buhay artista. Tumingin ka at makinig sa iyong paligid, 'di ba mas maririnig mo ang pinag didiskusyunan ay kun ano na ang nangyari kay "marimar" o kung anong TV Drama man ang kasalukuyang pinapalabas.
Umpisahan mo muna sa lugar niyo mag EDSA. Unahin mo muna sa pamilya niyo tapos sa kumonidad mo o Barangay, tapos sa gobyernong lokal ninyo bago kayo mag EDSA para sa buong Pilipinas at baka paniwalaan ko na kayo.