Bong at Lani, lumuha sa debut ng anak

Abante Tonite



Kapwa maluha-luha ang mag-asawang Sen. Bong Revilla at Lani Mercado sa debut ng anak nilang si Inah Bautista nu’ng Sabado sa Esplanade 1, Pasay City.

Noon pa man ay aminado na si Sen. Bong na maiiyak siya kapag pinagsalita siya sa debut ni Inah, kaya ayaw na raw niyang magsalita.

VTR message na lang ang ibinigay ni Sen. Bong kay Inah para hindi na siya emotional.

Hindi pa rin nila napigilang maiyak nang sinorpresa ni Inah si Lani sa kanyang VTR na ibinabahagi niya ang kanyang debut sa kanyang mommy, na hindi daw nakapag-celebrate ng debut.



Kaya kahit late, binati si Lani ng mga anak niya ng belated happy 18th birthday.

Naiiyak din si Sen. Bong dahil deserving daw si Lani na bigyang halaga ng kanyang mga anak dahil sa hirap nito para palakihin sila.

Malaki ang pasasalamat ni Sen. Bong kay Lani na ayon sa kanya, ang asawa niya ang nagbubuklod sa kanila sa gitna ng mga unos na pinagdaanan nila.

Sinorpresa rin si Inah ng matagal na niyang crush na si Dennis Trillo.

***