Good day everyone. . .
I would like to thank to all people who read my message on this forum and I would like to say thank you also to all who send positive and negative replies.
If I made mistake here by posting my message yesterday I apologize.
Ok first I'm not here to make fake story this is real. Why hindi naman siguro mali ang maghanap ng isang ina na nawawala diba?
23 years na ang lumipas at sa mga taong yun marami kaming hirap na pinagdaanan kaming apat na magkakapatid pero hindi ako nawalan ng pag-asa nagsikap ako para makaahon sa hirap at mapag aral ang dalawa kong nakababatang kapatid. Sa ngayon masaya naman kami pero hindi pa pala sapat yun at may kulang pa at yun ay ang nawawala naming ina. Makita man namin siya o hindi ok lang at least nag try ako na hanapin siya dito sa Internet at nag try narin akong pumunta ng Malaysia noong 2001 dahil sa kahilingan ng kanyang pumanaw na ama at ina (my grand parents) pero walang nangyari at hindi ko rin siya nahanap eto na siguro ang huli kong gagawin na paghahanap sa kanya kasi kong hindi talaga ipahintulot ng Dios na makita namin siyang muli ok lang masaya narin kami at kahit man iniwan n'ya kami siya parin ang ina namin at mahal namin siya.
Kong meron man nakakakilala sa kanya pls. email me at willing po ako puntahan siya may mga picture siya na naiwan sa amin at may address din siya noong huling sulat niya sa amin noong 1985 pero hindi ako sigurado kong hanggang ngayon doon parin siya nakatira gustohin ko man ilagay dito kaya lang baka bawal at ayaw kong lumabag sa pamamaraan nila dito.
Sa lahat ng mga filipino na bumasa sa sulat kong eto maraming salamat sa inyo at lalong-lalo na sa nag bigay ng effort na tumawag dito sa bahay at pati sa mga email na natatanggap ko maraming salamat po sa inyong lahat.
I would like to thank "PinoyMogul" for his call this morning and for the good advice.
Godbless all.


Respectfully yours,
Marsha S. Munar