QUOTE (Ek-ek @ Aug 5 2004, 11:50 PM)
How about the state of forest cover in Mt. Pulag ?
Ang daan kasi namin sa babadak kasi yon ang pinakamadali... at sa kasamaang palad, ang bahaging iyon na may taas na 2,490 metro mula sa lebelo ng dagat ay bahagi na ng parke subalit maraming mga taniman ng gulay... kaya anong puno o gubat ba ang tinatanong mo? hehehehihihihi
Bagamat makalipas marahil ng humigit kumulang isang oras na paglalakad (na maraming pahinga) eh, napasok na rin namin ang katamtamang sukal ng gubat... yong tipong berde na ang paligid at makulimlim gayong ikatlo pa lang ng hapon...
hindi ko maipababatid ng mahusay ang lagay ng kagubatan ng Pulag sapagkat sa isang bahagi lang kami naglakad... marahil yong sa bandang Nueva Viscaya ay masukal pa... hindi ko sigurado... paumanhin.
kim, mahinang klase ang ginamit kong pangkuha ng larawan kaya nakakahiyang maglagay... tsaka di ako marunong... hehehehe

paano ba?
Ang bundok ng Pulag ay matatagpuan sa Isla ng Luzon, at ito ang pinakamataas na bundok sa Luzon. Ang wika pa pangalawa sa bundok ng Apo sa buong Pilipinas at ayon naman sa iba ay pangatlo, sapagkat ang pangalawa ay nasa kabundukan ng Kitanglad sa Bukidnon. :genius:
Salamat po.