EXCITED si Angelika dela Cruz sa tuwing nagbibida siya sa Maalaala Mo Kaya.
Tandang-tanda pa ni Angelika nu'ng i-offer sa kanya ang life story ni Sheryn Regis. Isa ito sa mga may pinakamataas na rating ng drama show ni Charo Santos-Concio.
This time, bida na naman si Angelika. Sa episode ngayong gabi ng Maalaala Mo Kaya, Angelika plays Christina de Castro. A domestic helper turned diva in Italy. Sikat na sikat sa Italy si Christina. She is better known to her fans by her stage name Christina Kittie, the Jennifer Lopez of Italy.
May misyon si Christina kung bakit siya nagpunta sa Italya. Una ay upang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang ama. At pangalawa, hanapin at makilala ang kanyang tunay na ina. Mula nang magkaisip, hindi na nakita ni Christina ang ina.
Kasama sa cast ng The Christina de Castro Story sina Gardo Versoza, Carmi Martin, Sarji Ruiz, Richard Quan, Kathryn Bernardo at Nanding Josef. The episode was directed by Malu Sevilla.