Sumusunod Sa Galaw...Este, Sa Uso
Posted by carlopogi at 09:02 am on February 13th, 2005.
Naisipan kong gawan ng entry ang mga nausong kanta sa atin, na karamihan ay naging dance craze pa (grabe talaga). It’s a random list, at sigurado akong marami kayong maaalala sa mga pamagat ng mga kantang ito.
Stars (Simply Red)
Naging dance craze ito noong sinayaw ito ng UMD, o ng Universal Motion Dancers. Pinaka-sikat na lines eh yung “I hope you comprehend” na lagi namang namimis-heard at hindi na “ma-comprehend’.
Oh! Carol (Neil Sedaka)
Si Neil Sedaka ang original na kumanta ng Oh! Carol pero hindi ko alam kung sinong nilalang ang nakaisip na gawan ito ng dance version. Naaalala ko lang eh nasa ABS-CBN pa ang Eat… Bulaga! noon at may Oh! Carol Dance Contest pa silang nalalaman. Si Angelu de Leon ata ang guest na sumayaw tapos naka-red na jacket pa yata siya. Saka payat pa siya noon.
Can’t Touch This (MC Hammer)
May joke pa nga dito yung classmate ko dati...
Classmate: Carlo, knock, knock!
Ako: Who’s there?
Classmate: Kentucky!
Ako: Kentucky who?
Classmate: *kanta ala MC Hammer* KENTUCKY! Tenenenen tententen… KENTUCKY!*
Noon hindi ako natawa sa joke niya, pero ngayon natatawa ako sa ka-corny-han niya.
Ice Ice Baby (Vanilla Ice)
Hanggang ngayon hindi ko ma-dig ang nais ipahatid ng kantang ito, pero natatawa ako kapag paulit-ulit yung Ice Ice Baby. Parang Let’s Get Loud ni J.Lo.
Dying Inside (Kevin M. /Timmy Thomas)
“And I was dying inside to hold you…” Patay kayo diyan. Eto ang kalaban ng Stars ng UMD, sinayaw naman ito ng Streetboys nung medyo jologs pa yung damit nila at talaga namang nagbabangayan ang fans club nila. Si Wowie de Guzman at Spencer Reyes pa ang magkalaban noon!
Beautiful Life (Ace of Base)
Meron pa itong hand movements tapos… Kakaiba! Kakaiba ang dance step nito, para kang Egyptian na nagsasayaw ng Vogue ni Madonna.
Lick it (20 Fingers featuring Rhoula)
Eto pamatay din ang hand movements nito. Meron pa yata ito yung “Boom, pararararap Boom…” Haha! Di ko na matandaan kung anong year ito nauso pero sinayaw ‘to ng mga kaklase ko dati noong Christmas Party.
Magic Carpet Ride
Eto yung unang track sa album na “The No. 1 Dance Album” tapos sponsored pa ng Sketchers ata. Yung Maid namin dati, trip na trip to eh. Kung hindi niyo ito natatandaan, eto yung may lyrics na “Aringkingkingking!", parang seizure version ng Let’s Get Loud (kasi paulit-ulit yung lyrics!).
On Ne S’aimera Plus Jamais (Larusso)
Dahil hindi ito ma-pronounce ng mga kaklase ko ng maayos, Larusso ang tawag nila sa kantang ito. May memory pa ako nito tungkol sa mga kaklase ko pero hindi ko na ikukuwento dito kasi baka awayin nila ako.
Raggamuffin Girl (Apache Indian)
Akala ko talaga si Shaggy ang kumanta nito. Kapartner ito ng Boom Shack-Alack noong nauso. Sino kaya ang bumili ng album nito? Umamin na kayo.
Mr. Boombastic (Shaggy)
Isa pang kantang may misheard na lyrics. Medyo mabagal ang sayaw nito pero aliw pa rin. Kasabayan ata ito nung Raggamuffin Girl.
Sweet Soul Revue (Pizzicato Five)
Eto ang kanta na kapartner ng Magic Carpet Ride sa No. 1 Dance Album. Hehe. Grade 2 ata ako noong nauso ito. Basta gusto ko to dati talaga eh, haha.. na ala ko may tape pa ko nito dati.
Mambo Number 5 (Lou Bega)
Sinasayaw namin to dati ng sis ko eh, tapos pinag aagawan pa namin yung tape ni Lou Bega.
Macarena (Los del Rio)
Para sa akin ito ang ULTIMATE na dance craze. Buong mundo napasayaw nito, kahit US! At hindi lang sayaw ha, madami ring versions ng kanta nito, pati mga puppet ni Jim Henson, kinanta ito! Hindi ko rin alam ang lyrics nito, at hindi ko rin matandaan kung sumayaw nga ako sa saliw ng awiting ito. Buti na lang hindi ko maalala. Hehe. Pero bilib ako sa nagcompose nito. Dapat gawin siyang National Artist.