
Behind every successful man is a woman.
In the case of Manny “Pacman” Pacquiao, there are several women, one of them being his supermom, Dionisia Pacquiao, now better known not just as Aling Dionisia but for the more sosyal monicker Mommy Dionisia.
A scene-stealer in her own right, Mommy Dionisia never fails to keel over into a dead faint everytime she watches Pacman fight, clutching a rosary and fervently praying to her favorite Sto. Niño to spare her son from the punches.
She became an overnight celebrity in the wake of Pacman’s recent title bout with Ricky Hatton (knocked out in the second round) when she marked her belated “debut” at 60 with a bongga party in their native GenSan, dancing as if there were no tomorrows and changing designer clothes no less than five times. The event (yes, it was an EVENT) was covered “live” by TV, with Pacman, the dutiful and pampering son, watching with gleeful approval from the sidelines, happily leaving the spotlight to his mom. A new Dancing Queen was born.
Two Saturdays ago, Conversations caught Mommy Dionisia at the dressing room of the new GMA Studios being made up for her dancing exhibition on Startalk with her favorite D.I. (Dance Instructor), wearing the red dress that she said was given to her by Lucy Torres when she guested on Lucy’s TV5 show Shall We Dance?.
Mommy Dionisia turned out to be quite a delight even off the dancefloor.
To retain the flavor and the flow, Conversations is retelling the free-flowing exchange as is, in Visayan-Tagalog that is.
Hindi na daw Aling Dionisia ang tawag sa’yo ngayon.
“Hindi na. Mommy Dionisia na. Ang spelling ng pangalan ko, panay ‘i,’ walang ‘e’. D-I-O-N-I-S-I-A. Dionisia.”
Aware ka ba na celebrity ka na ngayon?
“Siempre. Hindi naman mapigilan ‘yan, eh. Ako ang nagbigay buhay sa anak kong si Manny kaya kung gaano siya kasikat ganoon din ako.”
Hindi ka ba naba-bother na maraming nakakakilala sa’yo kapag lumalabas ka?
“Okay lang kapag nasa mall ako at maraming nagha-’Hi!’ sa akin at kumakaway. Mga fans ko sila, eh.”
Talaga bang mahilig na kayong sumayaw from way back?
“Oo naman. Basta type mo ang sayaw, madali kang matuto at maturuan.”
Anu-anong dance ang type mo?
“Tango, Cha-Cha, Boogie at Swing. Ang unang tinuro sa akin ng mga D.I. ay Swing.”
Linawin natin, Mommy Dionisia, ha. Nanliligaw daw ba sa’yo ang D.I. mo?
“A, hindi totoo. ‘Yung humahawak sa akin ngayon, bagong D.I. ko. ‘Yung dati, nag-abroad daw. Pinalitan ko dahil hindi niya kaya ang mga lifting. Maliit lang kasi siya, eh.”
Bakit, mabigat ka ba?
“Hindi. Ang weight ko 45 kilos lang. Matagal kami hindi nakasayaw. Sabi niya, ‘Mommy, bumigat ka’.”
What’s your height ba?
“Ay, nakalimutan ko. Nandoon sa cedula ko.”
Paano mo mini-maintain ang figure mo?
“Naga-gym ako sa GenSan, doon sa mall.”
Ano pang ibang workout mo? Hindi ba kayo nagba-boxing ni Manny?
“Hindi. Dancing lang talaga ang exercise ko. Tinuruan ko nga si Manny pero hindi siya marunong. Malambot man ang katawan niya. Sa bahay, naga-workout din ako habang nanonood ng aerobic na video. Anim na posisyon ‘yon. Ginagaya ko.”
At ano naman ang diet mo?
“Ang pagkain ko, control; hindi sobra. Sa breakfast, normal lang. Hindi man ako magkain ng chichiria kasi bawal. Ang favorite food ko? Seafood.”
Kumusta naman ang love life mo?
“Okay naman. Love life ko ang mga apo ko.”
Okay ba kayo ng “ex” mo, ‘yung father ni Manny?
“Okay naman kami. Wala naman akong ano sa kanya. Puwede ba huwag na natin pag-usapan ‘yon? Sixteen years na akong walang asawa. Happy na ako magtingin sa mga apo ko. Kumpleto na ako.”
A, okay. Sa security mo naman. Balita ko marami ka raw bodyguard dahil may mga nagha-harrass sa’yo.
“Kasi maraming intriga. Sobra! Sabi nila nagsha-shopping ako ng P1 million nga pera. Sobra naman na balita!”
Peso o dollar?
“Peso. Bago ako nagpunta sa US, nagbili ako ng skinny jeans nga itim. One thousand pesos lang ‘yon. At saka mga blouse. Hindi naman mahal. Sabi ko, itigil na ang mga ganyang balita dahil nasisira ang pagkatao ko. Pagkatapos, may threat ako na kikidnapin. Matagal na akong may bodyguard. Dati dalawa. Ngayong may threat ako, apat na.”
Balita ko tatlo daw ang cell phone n’yo.
“A, ang CP ko? Oo, tatlo. Iba-iba ang number. Dala ko palagi lahat. Isa Globe, isa Smart at isa TM.”
Noong 60th “debut” mo, kung ilang beses ka nagpalit ng gown.
“Lima ang damit ko. Dalawang gown at tatlo ang pang-dancing. Para daw ako nag-debut na 18 years old. ‘Yung sa akin, debut na 60! Hahahaha!”
A, so hindi ka nakapag-debut noong 18 years old ka?
“Hindi, eh.”
Naaalala mo ba kung saan ka nandoon noong nag-18 years old ka?
“Nakalimutan ko na. May asawa na ako noon. Nang nag-asawa ako, 16 lang ako. Nang 17 ako, nanganak na ako, ‘yung panganay kong anak na namatay. Apat ang buhay kong anak — si Sidra, si Manny, si Bobby at si Ruel, ‘yung barangay captain.”
Spoiled na spoiled ka ni Manny, ano?
“Hindi naman. Nang nakita niya ‘yung gown ko, nagulat siya. Sabi niya, ‘Mang, ‘yan ba ang isuot mo sa birthday mo?’ Sabi ko, ‘Oo.’ Sabi niya, ‘Ang ganda!’ Binigyan niya ako ng pera, malaki-laki.”
Ganoon? Magkano?
“Sobra 25 dollars.”
Ang liit!
“Twenty-five thousand dollars ‘yon. Sabi niya, ‘Kayo na ang magbili ng gusto mo, ‘Mang’.”
Naubos mo ‘yon sa shopping? Almost one million pesos ‘yon.
“Bumili ako ng mga damit, mga bag.”
Ilan na ba ang mga bag mo ngayon?
“Marami na. May mga Louis Vuitton.”
Mga gown ilan?
“Marami na rin. Dalawa galing sa US. ‘Yung iba dito lang sa Pilipinas pinagawa.”
Sa dami na rin daw ng shoes mo, talo mo na daw si Imelda.
“A, hindi naman! Simple naman ako na pagka-nanay.”
Uy, magmo-model ka daw kay Dr. Vicki Belo.
“Hindi ako. ‘Yung manugang kong si Jinkee.”
Hindi mo pa ba kailangan magpa-lipo?
“Hindi pa. Marunong naman ako mag-alaga sa katawan ko. Naga-exercise ako; naga-gym ako.”
Pero nag-i-spa ka na siempre.
“Oo naman. Madalas. Sa GenSan.”
May commercial ka na daw ba?
“Mayroon. Pero hindi pa naga-labas. Sa July 19, ilalabas na kaya mag-iikot kami sa lahat ng mga estasyon sa radyo at TV.”
Lumalabas ka sa TV at ngayon sa commercial. Sa pelikula ba lalabas ka na rin?
“Ayoko, baka mapagod ako. Okay lang sa commercial, hindi matagal.”
Sa sitcom ayaw mo?
“Ayaw ko rin.”
Bagay daw kayo magkasama ni Annabelle sa pelikula.
“Si Annabelle Rama? ‘Yung sa My Monster Mom? Napanood ko ‘yon. Uy, kilala ko si Annabelle Rama. Nanonood ‘yon ng boksing ni Manny sa Las Vegas.”
Uy, saan pala ‘yung Rolex na birthday gift sa’yo ni Manny? Bakit hindi mo suot?
“A, tinago ko. Muntik kasi natanggal kanina n’ung naga-praktis kami ng dancing. Baka malaglag uli, masira. Sayang. Mahal pa naman. 300,000 ‘yan.”
Dollars?
“Hindi. Pesos.”
‘Yung car na binigay sa’yo ni Manny, ginagamit mo ba?
“Oo naman.”
Kumusta ‘yung house?
“Si Manny ang nagpagawa n’un. May darating pa; ipapagawa din ni Manny. Doon sa GenSan. Malaki. ‘Yung first na bahay namin, medyo maliit. Two hundred square meters lang.”
Ilang square meters ‘yung tatayuan ng bagong bahay?
“Six hundred square meters.”
Kayo ba ni Jinkee okay na? May gap daw kayo noon?
“Anong gap?”
‘Yung hindi okay sa isa’t-isa.
“A, wala. Okay kami. Noong bago kasi silang kasal ni Manny, mahiyain siya. Ako, nanay, marunong magdala ng mga anak; marunong ako magdala sa kay Jinkee. Hindi na siya mahiyain ngayon. Si Jinkee nga ang nag-asikaso sa birthday ko; sila-sila.”
Sa mga pagbabago sa buhay mo, ano ang pinaka-gusto mo?
“Siempre, nagustuhan ko ang pagda-dance ko, lalo na mga fans ko. Maraming naga-hanga sa akin.”
Mayroon ka bang Fans Day?
“Wala pa. Pero proud sila sa akin. Alam ko dahil marami ang naga-greet sa akin kapag nasa mall ako.”
Kung gagawing pelikula ang buhay mo, sino ang gusto mong gumanap ng Mommy Dionisia?
“Ang gusto ni Manny, ako mismo.”
Mayroon na kayo lahat. Ano pa ba ang mahihiling mo?
“Ang hinihiling ko lang sa Panginoon, sana bigyan ako ng mahaba pang buhay para makasama ko pa ang pamilya ko, mga friends ko, mga fans ko.”
Ano ba ang tunay na Mommy Dionisia? Paki-describe nga po.
“Mabait ako. Simpleng tao lang ako. Magaling magbigay ng payo sa mga anak. Magaling magpalaki sa mga anak. ‘Yan ako.”
(E-mail reactions at rickylo@philstar.net.ph or at entphilstar@yahoo.com) - CONVERSATIONS With Ricky Lo (Philstar News Service, www.philstar.com)