QUOTE (orient @ Jul 12 2009, 01:23 AM)

Magaling ang mga Pinoy individually. Pero mahina as a group. Hindi kagaya ng ibang Asians na mas united.
Nagpunta ako sa Phil embassy sa NY, may dalawang Pilipinang nag uusap sa waiting area. Ang lakas ng boses nila at halatang dun lang sila nagkita. Nagpapasiklaban sa kanilang mga trabaho. Mararamdaman mo na ayaw ng bawat isang magtagalog dahil ayaw nilang magmukhang ordinaryo lang.
Nag uusap sila pero hindi nagdidinigan. Nagkakasabayan pa sila sa pagsasalita. Panay Ingles.
Naalala ko tuloy sa Pilipinas. Tuwing may Pilipinong gustong magpasiklab. At gusto niyang isipin ng iba na magaling siya.....eh kailangang umingles siya.
Ang ibang Asians ay ginamit nila ang salita nila. Tayo kinahihiya natin. Ang ibang Pilipino ay mababa ang tingin sa Pinoy na hindi nakakapag ingles. Ayaw makiisa.