Help - Search - Members - Calendar
Full Version: Bangon Pilipinas! (Gising Pinoy)
Asia Finest Discussion Forum > Asian Culture > Filipino Chat > Filipino Serious Talk
loneman20
Sa kabila ng kalamidad o bagyo na sumira ng maraming buhay at pag-aari…

Napakita ng maraming Filipino ang kahalagaan ng pagkakaisa at pag-ibig sa kapwa,

Ito ang mga pangyayari na gumising sa bawat tao sa pilipinas na hindi dapat tayo mabuhay sa kasakiman at pagkamakasarili.

Lahat ng tao pantay- pantay at lahat ay dapat matuto at mabuhay ayon sa tama at kalooban ng maykapal,

Hindi mo pag- aari ang kaloob sa iyo mg lumikha ni hindi dapat mag- isip ng pansariling interest.

Kung ikaw ay isang taong nabubuhay sa ka immoralidad at kasamaan dapat ka lang magsisi sa bunga ng iyong kasalanan,

(Mga Pulitikong Corrupt, mayayamang mapagmataas, mga mapang abusong katiwala at ang mga taong ginagawa ang mali para lang lumigaya)


Nakakalungkot na Makita an gating bansa na bagsak na bagsak dahil sa gawa ng ibang tao at naging biktima ang mga inosente at mabubuting tao.

Ikat at ako sa ating mga pagkakamali na dapat ituwid, walang exempted, lahat tayo na mga Filipino at Kristiano sa tingin natin lahat ay may pananagutan,

Ang mabuti ay nagbubunga ng mabuti at ang masama ay nagbubunga ng paghihirap, sumpa at kalamidad.

Kasi nakikita naman natin ang katotohanan at di maikakaila ito ang liwanag ay di maitatago sa kadiliman…

Bawat tao dapat magbago at ang tunay nag pagbabago ay nagmumula una sa sarili,

Wala na tayo sa panahong sinauna ang panahong ito ay panahon natin at lahat ng nakaraang mali ay dapat maituwid para di tayo masisi sa mga susunod na mga henerasyon.

Anong mabuti na dapat gawin habang tayo ay nabubuhay? Yun ay hangarin natin ang mabuti para sa lahat at gamitin ang meron tayo sa tama para sa kinabukasan…

Walang mangyayari sa ating kung mananatili tayo sa katamaran, kamalian at kadiliman sa iba na sumusunod sa maling paniniwala at mga gawang baluktot,

Ang buhay ay maikli lamang at hindi dapat ito sayangin at ipagkait ang meron tayo (yan ay sa Diyos)

Namatay si Hesus para sa akin at para sa iyo (para sa lahat) para ating sampalatayanan at maligtas.

Kung mahal natin ang Diyos at ang ating bayang Pilipinas, ating ipaglaban ang tama at katotohanan na alam natin at nalaman natin,

Tayo ay sinusubok sa ating pananampalataya at gagantihan ayon sa ating mga gawa.

Kailangan nating magkaisa, magkaroon ng kapayapaan, pag- ibig sa kapwa, kalayaan sa anumang kamalian, karapatan sa pagkakapantay- pantay at katotohanan sa Salita ng Diyos.

A message from Baptist Church, 702 DZAS, 700 club asia, Jesus Reign Ubc 12, JIL, all Born again Christian (Born again in Spirit- Full Gospel) Protestant Evangelical, RBC Ministry And Gideon’s(Bible) International.

Visit James307.blog.com for more info,

Philippines for Jesus!

Reform Philippines Better…


*promo
fu-kING TROLL!
loneman20
This is not the time for any debates or limitations in terms of personal rules that set aside the truths…

Anong ibig kong ipaalam? We must not have the bad attitudes in approaching others but be a friendly and positive!

Hindi dapat manaig ang pride at hindi sulusyon ang ano mang pakikipagtalo sa iba because of differences.

So anong ibig kung mangyari? Is it possible to have unity and love in this forum?

Answer is a big YES! We can do it as brotherly love, being pinoys (through discipline and respect.)

To love GOD, to love Fellow, to love GOOD THINGS (To stand for the truth and right, Spiritual and to educate people morally)

Marami talagang criticizer at mga selfish na tao kasi some of them natatamaan at ayaw ng mabuti,

Today we face big problems (The global recession, the deseases (H1N1 and Leptopirosis), the nuclear weapons(North Korea and Iran) and terrorism in Middle East (al-Qaeda and Taliban), calamities (Ondoy, Ramil and Santi).

Kailangan natin ng pagbabago sa ating mga sarili in religion and in the government (how can we stand if there is division?)

Peace of mind is important; let us all fight evil.

Mapa ano pang lahi, salita o kulay (Katoliko ka man o Protestante, Admnistrasyon o Opposisyon, Mayaman ka man o Mahirap at kung Malakas man o Mahina).

We must stand firm on what is RIGHT!

Let us show them to be on the good side of life (the light)

Harapin ang lahat ng mga pagsubok at problema dahil habang may buhay may pag- asa!

Ito ang maging isip natin…

Pinagpala ang gumagawa ng tama at ang masasama ay isusumpa (Corrupt officials, criminals, prostitutes, those who use drugs, drink alcohols and smokers, homosexual and abortionist)

Sana mamulat na tayo sa katotohananat ituwid ang mga pagkakamali nung una, di pa huli ang lahat! Sasama ka ba?

-James307

(Jesus Saves Philippines)





budi
naalala ko pa nung high-school ako, tinanong kami nung teacher namen, "sa tingin niyo ba't di pa ummunlad ang Pilipinas?" Marami sa mga classmates ko noon ang sumagot "DAHIL CORRUPT ANG GOBYERNO." pero, naisip ko non. lahat naman ng gobyermo corrupt. pero bakit ganon? kahit corrupt ang gobyerno ng ibang bansa umuunlad parin sila. Halimbawa, japan, napaka limited ng terotoryo nila, 80% bundok, hindi bagay for agricultural purposes. pero second sa world economy. maituturing na ngang parang factory dahil kung mag export at inport ng raw materials sa iba't ibang bansa walang katapusan. isa pang halimabawa, masarap ang mga chocolates galing switzerland diba? everytime nga na bumibili parent's ko ng chocolate galing switzerland kulang na lang magsakalan kami ng mga kapatid ko para mag-lamangan. pero hindi naman nagtatanim ng cocoa ang switzerland. sa maliit nilang teritoryo nag-aalaga sila ng mga dairy animals at kinu-cultivate yung lupa nila every 4 months sa isang taon. hindi sapat. pero pinapakita nila na kahit maliit lang bansa nila, kaya parin nila ang makipag-sabayan. bakit ang pilipinas? mayaman naman tayo sa natural resources. hindi ko na kasi maalala yung author na koreano, sinasabi niya nun na nagseselos daw siya nun sa bansa natin dahil napaka yaman na naten. nagulat ako sa nabasa ko, dahil kung titignan mo ngayon ang korea parang ang imposible, pero siyempre, google search lang ang kaylangan. totoo nga na "naging mas mayaman ang pilipinas.
kaya nga nung 4th year na ko talagang nabaliw ako kakaresearch para lang patunayan sa classmates ko na "hindi lang dahil sa corrupt ang gobyerno"
halos umiyak ako sa napapansin ko, dahil halata nga na nawala na ang initiative ng ibang pinoy na umahon, sapat ng mging tambay. tinanong ko pa nga yung manong ang tanong ko " manong ba't di ka nalang maghanap ng trabaho kahit kargador lang dun sa palenke?" simple lang naman sinagot niya. "tinatamad ako eh!" halos yun yata lagi naririnig ko.
kaya nga tinanong ko sarili ko, ano ba nag meron sa mga mayayamang bansa na wala sa pilipinas?
sa sobrang kakaisip, kakareseaarch nabasa ko yung essay ni Dr. Arseo Martin of fort arthur, texas.
eto ang mga ugali na nasa mayayaman na bansa, mga ugaling kaylangan meron ang mga pinoy.

1.ethics and basic principles
2.integrity
3.responsibility
4.respect of laws and rules.
5.respect of the rights of the citizens.
6.work loving.
7.strive for savings and investments.
8.will of super action.
9.punctuality.
10.discipline.

mayaman naman talaga ang pilipinas eh, kaylangan lang talaga matuto ng mga pilipino kung mahalin at irespeto ang sariling lahi.
kaylangan lang talaga ng mga pinoy ang correct attitude.
sana magising na ang mga pinoy.
kasi hindi naman pwedeng magpaka-bulag habang buhay eh.
icon_smile.gif
loneman20
True, maraming factors talaga, pero if this is the will of God dahil may magandang dahilan, so let it be... ang kasaysayan nalang ang makapagsasabi sa huli.
This is a "lo-fi" version of our main content. To view the full version with more information, formatting and images, please click here.
Invision Power Board © 2001-2009 Invision Power Services, Inc.