Blooming Sarah
E-TALK
Beth Gelena
People's Tonight
AS sweet sixteen, blooming na ang beauty ni Sarah Geronimo.
But, according to the singer-actress at partner ni Mark Bautista sa Lastikman, "siguro po dahil sa buhok ko. Nagpalagay kasi ako nang bangs, eh. Bagay po bang talaga?," tanong niya sa amin.
"Oo, bagay na bagay sa 'yo," sagot namin.
"Saka, siguro po, ang pananamit ko. Medyo binago ko rin po, eh. Siyempre, dalaga na ako, eh," dugtong pa ni Sarah.
Ang Lastikman ay pang-third movie ng singer-actress. Napansin naming mukhang nalilinya siya sa super-hero movie. Last year, ay dalawa ang entry niya sa Metro Manila Film Festival -- Filipinas at Captain Barbell. Ang Captain Barbell ay isang super-hero movie at ngayon ay ito namang Lastikman, kung saan entry ng Viva Films para rin sa MMFF this year.
Kaya si Sarah ang kinuhang partner ng Viva Films para kay Mark sa dahilang alam nilang may jibe ang dalawang singers.
Pareho silang produkto ng Search For A Star, a singing competition kung saan ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez ang host. Si Sarah ang nag-champion at 1st runner-up naman si Mark.
Saturday, November 20, 2004
7:01:21 PM
