Cover story on People's Insider Magazine
by Julie Bonifacio
Kasunod ng pakawala sa telebisyon ng programang Sarah, The Teen Princess ang mga negative issue na ikinabit kay Sarah Geronimo ng kanyang mga detractors.
Isa-isang sinagot ni Sarah ang mga isyu, pati ang tungkol sa kanila ni Mark Bautista na bagong bida sa Lastikman.
Iniintriga si Sarah na na-insecure sya kay Mark dahil mas nauna pang magkaroon ng solo movie ang runner-up niya sa Star For A Night.
“Masaya po ako para kay Mark. Nag-thank you rin po ako kay Boss Vic ( Del Rosario ) dahil isinama niya ako sa pelikula ni Mark. Tanggap ko naman na pang-suporta lang ako sa movie,” nakangiting bungad ni Sarah.
Pormal na bang nanligaw sa kanya si Mark sa shooting nila ng Lastikman?
“Sixteen pa lang ako. Bawal pa akong magpaligaw. At hindi naman siya nanliligaw sa akin.”
May kissing scene ba sila ni Mark sa movie?
“Ay wala. Pero kilig moments marami. Tsaka wala po sa plano na magpahalik ako. Wala pa po. At wala namang nakalagay sa script. Ang role ko roon, bestfriend ni Mark. Parang manliligaw, pero hindi boyfriend. Na-shoot na po namin yung kilig moments.”
‘Beso-beso lang pwede’
Bawal ba sa kanya ang kissing scene?
“Ayaw ng mommy ko. Beso-beso lang pwede. Para sa mommy ko kasi, ang kissing scene, nakakababa ng dignidad. Siguro kahit mag-18 ako, huwag muna.”
Anong reaksyon niya nung masulat na nag-iinarte na siya’t may star syndrome na, gaya ng di pagsipot sa shooting?
“Iba po kasi ang lumabas na balita, eh. Sabi, pina-pack up ko po dahil wala ako sa mood mag-shooting. Hindi po totoo yun. Syempre nasaktan po ako. Atsaka, ano naman pong karapatan kong magpa-pack up? Kapamilya ko po ang Viva, kaya sila po ang unang nakaalam kung anong dahilan kaya di ako nakapag-shooting.”
So di totoong lumaki na ang ulo niya’t may attitude problem na rin?
“Ako po, ganun pa rin naman ako e. Masasabi ko sa sarili kong hindi ako nagbago. Yung mga na-achive ko po, hindi ko iniisip, parang wala lang. Nasasaktan din po ako sa negative write-ups sa akin dahil hindi naman kasi totoo.
Stage Mother
Kalat na kalat na ang pagiging stage mother ng kanyang ina. Masyadong marami na raw dinedemand. Totoo ba ito?
“Dito po sa mundo natin, maraming tsismis na hindi totoo, kaya hindi na lang naming pinapansin. Hindi po totoo na may attitude problem ang mommy ko. Hindi rin po siya stage mother na gaya ng sinasabi ng iba. Maalaga lang po siya at masaya ako na ganun ang mommy ko dahil hindi siya katulad ng iba na napapabayaan ang anak nila. Gusto ko pong ipagpatuloy ng mommy ko yung pagdisiplina niya sa akin. Gaya noon, wala akong pahinga, kaya po ako nagkasakit at na-ospital sa St. Lukes. Mga Christmas po yun kaya nawalan ako ng boses. Kaya natuto na ang mommy ko na kailangan may pahinga talaga. Si mommy po hanggat maaari, ipinapa-adjust ang call time ko kung masyadong maaga, lalo na kung manggagaling pa ako ng taping. Nahe-hurt po ako. Pero ang sabi ko sa kanya, ‘huwag mo nang pansin mommy, alam mo naman ang mundo ng showbiz.”
Daddy Resigned
May mga naririnig na comment sa mga kritiko ni Sarah at ang pinipintasan naman ay ang kanyang ama. Madalas kasing makitang kasama ni Sarah ang kanyang daddy. Sabi, tuluyan ng pinabayaan ng ama na magtrabaho si Sarah, at tila kinalimutan na ang pagtatrabaho ng sarili, totoo ba ito?
“Hindi po. Ang daddy ko kasi marami na siyang nailabas na pera para sa akin nung nasa PLDT pa po siya. As in nabaon na po siya sa utang sa kalu-loan! Wala na siyang kinikita dahil sa deductions, dahil sa mga utang. Atsaka magtatanggal din po ng employees sa PLDT at yung mga katrabaho niya, umalis na, kaya nagresign na rin siya. Sabi sa akin ni daddy, ‘Anak magri-resign na rin ako para masamahan kita.’ Nun nag-i-start pa lang po kasi ako, kami lang ni mommy ang palaging magkasama at nagta-taxi lang kami, kaya nakakatakot. Ngayon po may kotse na kami, pero walang kasama ang mga kapatid ko sa bahay kapag umaalis kami ni mommy kaya naiiwan si daddy. Pag malalayong lugar gaya ng probinsya, si daddy ang sumasama sa akin.”
( People's Insider Magazine/December 8, 2004 issue )
