Help - Search - Members - Calendar
Full Version: Sarah & her big brother
Asia Finest Discussion Forum > Asian Culture > Filipino Chat
Fil-Am
Sarah & her big brother



Abante Tonite
08 Dec 04
Ni Allan Diones
Ang sasabihin ni Sarah pag niligawan siya ni Mark...
'Ang tanda mo na, kuya!'

Not together biggthumpup.gif

Kuya ang tawag at turing ni Sarah Geronimo kay Mark Bautista, kaya medyo nagtaka ang ilang reporters sa presscon ng Lastikman kahapon sa RoadRunner canteen nang sabihin ni Sarah na si Mark ang kanyang showbiz crush.

"Ina-admire ko po si Kuya Mark. Madali po siyang mahalin, kasi mapagmahal siyang tao. At saka sobrang responsable niya lalo na pagdating sa pamilya niya.

"Iyun po ‘yung mga nagustuhan ko sa kanya. ‘Yun ang ina-admire kong traits niya," pahayag ni Sarah, na gumaganap na love interest ni Mark sa MMFF 2004 entry ng Viva Films na Lastikman.

16 y/o si Sarah at 22 y/o si Mark kaya nakapagbiro ang dalaga na pag nanligaw ito sa kanya ay sasabihan niya ng, "Ang tanda mo na, kuya!"

Paano kung manligaw nang totohanan sa kanya si Mark, ganu’n nga ba ang idadayalog niya?

"Joke ko lang po ‘yun! He! He! He!

"Kung pwede ko ba siyang sagutin pag nanligaw siya? Bakit po hindi, di ba?" nakangiting sey niya.

"Pero hindi naman po siya nanliligaw, eh. At saka parang kuya ko lang po talaga si Kuya Mark. So, kuya na lang po talaga. Ha! Ha! Ha!" biglang bawi ng bagets.

Totoo ba ang tsikang gustung-gusto na niyang magka-boyfriend, kaya lang ay ayaw ng mommy niya?

"Hindi naman po gustung-gusto. Hindi po totoo ‘yon. Pero naiisip ko rin po siya, kasi normal lang naman ‘yon sa mga teenager ngayon, eh.

"Parang pumapasok na rin sa isip ko ‘yon, pero hindi naman po sa gusto ko nang magka-boyfriend agad. Alam ko naman po na bata pa ako at baka makasira lang ‘yon sa buhay ko.

"Marami po kasi akong naririnig na dahil sa pagbo-boyfriend, napapahamak. Meron po akong mga crush-crush dati sa school, pero ngayon wala na," sambit pa ni Sarah, na dapat ay 4th year high school na sa UST pero dahil nag-stop ay 3rd year HS lang ngayon sa homestudy program ng Angelicum.

Ang mommy nga ba niya ang tutol na magka-boyfriend na siya?

"Opo, siyempre lahat naman ng parents, ayaw nilang magkaroon agad ng boyfriend ang anak nila sa ganitong edad, di ba?

"At mas maganda na po ‘yung ginagawa sa akin ng mommy ko, hindi katulad ng iba na pinababayaan nila ‘yung mga anak nila na lumabas-labas at gumawa ng kung anu-ano."

So, totoong hinihigpitan siya ng mommy niya?

"Hindi naman po as in mahigpit. ‘Yung tama lang po para sa magulang na disiplinahin ang mga anak nila.

"Hindi naman po ‘yung sinisigawan ako na, ‘Bawal ang ganito, ganyan!’ ‘Yung malumanay na usapan. Kahit po doon sa mga kapatid ko na mas matatanda sa akin, ayaw po muna nila na mag-boyfriend."

So, strict ang parents niya talaga?

"Opo, parang gano’n. Pero hindi naman po ako masyadong hinihigpitan. Slight lang!"

Kelan daw siya pwedeng magka-boyfriend, sabi ng parents niya?

"Siguro kapag mga 20 plus na po ako. He! He! He!" aniya, sabay ngiti.

Hindi ba siya naiinsekyur kay Mark na may launching movie na ito at bida na sa Lastikman, samantalang siya ay parang dekorasyon lang sa pelikula?

"Hindi po. Wala pong insecurities. Actually, sobrang nabigla pa nga po ako dahil naisama po ako sa pelikula.

"Hindi po ako basta-bastang guest lang dito sa movie. Tingnan n’yo po sa poster, magkasama kami ni Mark.

"Kaya proud po ako na naisama po ako sa movie na si Mark ang bida. Hindi naman po ako dekorasyon lang, mahaba rin naman po ‘yung role ko," dayalog ng teen diva.

So, para silang Tobey Maguire at Kirsten Dunst sa Spider-Man, gano’n?

"Opo, parang ganu’n po. Kasi, magkaibigan din kami ni Mark sa Lastikman, eh, pero sa bandang huli, magkakaroon ng love angle. Para pong ganu’n sa Spider-Man."

Hindi ba siya naiingit na naunahan siya ni Mark na magka-launching movie?

"Ay, hindi po. Para po talaga sa kanya ‘yon, eh…"

Kung siya ang papipiliin, ano ba ang gusto niyang maging launching movie?

"Gusto ko po ‘yung parang Princess Diaries… parang mga gano’n po. Kaya lang, hindi ko pa po siya napapanood, eh! Pero ‘yung A Cinderella Story ni Hilary Duff, napanood ko po."

Ang pamagat ng dati niyang show ay Sarah, The Teen Princess, tapos ang gusto niyang launching movie ay mala-Princess Diaries. Ilusyon niya talagang maging prinsesa, gano’n?

"Kasi, parang tumatak na rin po sa akin ‘yon, eh, na ang sarap talagang maging princess dahil ‘yun ang ginawa ng ABS sa akin…"

Sinong gusto niyang maging kapartner?

"Siguro po si Mark! Wala po akong ibang maisip, eh!"

Kung Lastikman si Mark, anong superhero o fantasy character naman ang gusto niyang gampanan?

"Dyesebel! Dream ko pong maging mermaid, eh! Kasi, gustung-gusto ko pong magkaroon ng buntot. Kaya lang, mukhang mahirap po yatang gawin ‘yun, eh…"

So, mas gusto niyang lumangoy kesa lumipad na gaya ni Darna?

"Gusto ko rin pong lumipad! Half-Dyesebel, half-Darna! Darnabel! Ha! Ha! Ha!"

Kaya niya bang mag-topless kapag nag-Dyesebel siya?

"May kabibe po rito. He! He! He!" sagot ni Sarah, sabay sapo sa kanyang dibdib.

IYIiDWeSt_T.S.I3
Shes defuknaly kute!
too bad I cant read Tagalog?
Fil-Am
QUOTE (IYIiDWeSt_T.S.I3 @ Dec 8 2004, 10:11 AM)
Shes defuknaly kute!
too bad I cant read Tagalog?
*


You wanna join my Sarah Geronimo Clan?
IYIiDWeSt_T.S.I3
Sure! I'll join icon_smile.gif
Fil-Am
Here is the link, go post in it to activate your membership.

http://www.asiafinest.com/forum/index.php?...opic=19858&st=0
bandsoulja
dayam, look at them big ears of hers and she needs to get a new stylist, the girl cant dress
This is a "lo-fi" version of our main content. To view the full version with more information, formatting and images, please click here.
Invision Power Board © 2001-2009 Invision Power Services, Inc.