Sandara, gumagaspang ang balat
Noong Lunes nang gabi at kahapon nang tanghali, nagkaroon kami ng pagkakataon na makausap si Sandara Park. So far daw ito ang pinakamahalagang month sa kanya. Alam ba ninyo ang unique name ni Sandara ay mula sa isang Korean general?
Nagkaroon siya ng showbiz party sa Dish noong kaarawan niya, November 12.
Ipinalabas noong November 17 ang kanyang first film, kasama niya sina Hero Angeles, Diether Ocampo, Kristine Hermosa, Heart Evangelista at Geoff Eigenmann, ang Becuz of U. Isang box office winner ito.
Next week ay magsisimula na ang taping nila ni Hero Angeles ng Krystala. Idinagdag ang karakter niya, ni Hero at ni Pakwang sa superserye ni Judy Ann Santos.
Sa kasalukuyan, walang pahinga siya. "I'm working even Sundays," sabi niya. "Malimit four hours ako nagsi-sleep. So my skin is getting rough."
Sa kasalukuyan, nasa three regular TV shows si Sandara -- ang Sandara's Romance, ASAP Fanatic at SCQ Reload. At idadagdag pa ang Krystala.
Nine months pa lang siya sa showbiz. Ayon sa kanya, "Since I came over when I was 11, and studying here, gusto ko mag-artista. Now I am busy and I am enjoying it."
Inaamin ni Sandara na pursigido siya sa pangarap niya kaya pumunta siya sa ABS-CBN for auditions noon para sa Star Circle Quest na nag- iisa mula sa kanilang place sa Luna St., Pasay City.
"At first my parents are against it," sabi niya sa amin. "Now they are also happy for me and my mother goes with me to my work sometimes."
Iniipon niya ang pera niya para makabili siya ng bahay sa South Korea. Koreano ang magulang niya kaya hindi sila magkakaroon ng bahay at lupa rito sa Pilipinas.
Naririto na ang ama (Ik Su Park) at ina (Kyung Ran Kim Park) niya at nine years na sila rito. My business ang ama niya. Siya ang panganay.
Isa ang sister niya (Durami) at isa rin ang brother (Sang Hyun) na mga teenager na rin.
Pumapasok sila sa Pasay Chung Hua Academy samantalang naka-graduate na siya ng high school early this year. Baka next year na raw siya mag-aaral ng advertising.
Isang recording artist din pala si Sandara. Nakapag-record na siya ng limang kanta for Star Records. In and Out ni Lito Camo ay pinakapopular na kanta niya ngayon.
Sa Krystala, gagampanan niya ang papel na half-sister ni Ryan Agoncillo, anak ng Pilipinang ina sa isang Koreano. Dumating si Kim (karakter ni Sandara) sa Pilipinas para manirahan kay Ryan. Sa komunidad na iyon, magsasalubong ang landas nila ng isang superhero mula sa kinabukasan. Ito ang gagampanan ni Hero Angeles, the hero of the future.
Tila si Sandara ang big discovery ng nakaraang Star Circle Quest.
Sa kasalukuyan ay meron siyang anim na commercials o endorsments: Fres Lemon candy, Maxi-Peel, Rejoice, Tekki Asian Noddles, Confident Feminine Napkin at Canon Cameras.
by: billy balbastro