Help - Search - Members - Calendar
Full Version: Pinoy Poetry
Asia Finest Discussion Forum > Asian Culture > Filipino Chat
Najjiah
Magsimula Ka

Magsimula ka, batiin ang
kay gandang umaga
Ng may ngiti sa iyong mga mata.
Sa pagkakaidlip, gumising na!
Ang buhay ay masaya.

Magsimula ka,
tuparin ang pangarap mong tunay.
Habang ang lakas iyo pang taglay
Sa paghihintay, baka masanay.
Sayang naman ang buhay
mawawalan ng saysay

Iisa lang ang buhay mo,
kumilos ka, gamitin mo.
At kung may nais ang puso mo,
mangarap ka't abutin mo
Upang ito'y makamit mo
magsikap ka't simulan mo.

Magsimula ka,
pilitin ng tuklasin ang hanap
Magdanas man ng maraming hirap
Ang mithiin mo, pag naging ganap
Langit ng pagsisikap,
iyo ng malalasap

source - http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/Tagalog...alog_quotes.htm

Najjiah
Tinig ng Kababayan

Halika na po kayo sa Pilipinas,
  dalaw naman po kayo dito.

Matagal na panahon na 'di kayo
  naparirito.

Bagaman 'di tayo magkakilala,
  sa isang pagkakataon malay ninyo,

Na tayo'y magkatagpo, magkangitian
  at maging magkaibigan kahit paano.

Alam kong nasasabik na kayo
  na masilayan ang ating inang bayan;

Gayun din ako sa inyo
  mahal kong kababayan.


©2003 Adalbert S. Naval

source - http://anaval.moonfruit.com/tagalogpoetry



filipinoy
akala ko naman ikaw gumawa
This is a "lo-fi" version of our main content. To view the full version with more information, formatting and images, please click here.
Invision Power Board © 2001-2009 Invision Power Services, Inc.