Dear Dad,
Ipagpaumanhin nyo ni Mom ang pagsulat ko sa inyo para ipaalam na
ako'y aalis na sa inyong poder. Ako'y sasama na sa aking bagong
boyfriend na si Mark dahil gusto kong takasan na kayo ni Mommy.
Natagpuan ko na kay Mark and tunay na pagmamahal at napakabait nya sa
akin, napaka malambing nya hindi tulad ng iba kong naging boyfriend.
Alam ko na pag nakilala nyo sya ay magugustuhan nyo din siya, lalo na ang
kanyang mga hikaw, tattoo nya sa lahat ng parte ng kanyang katawan at
ang pang motorsiklo nyang damit. Hindi lang sa pagkakaiba nya Dad kaya
ko sya mahal na mahal, eto ay dahil sa buntis ako at sabi ni Mark na
gusto nyang magkaanak sya sa akin para lalo kaming sumaya sa aming
pagsasama. Kahit na matanda sya sa akin (42 na sya Dad, di pa naman
matanda sa ngayon and edad nya diba?) kahit na wala syang pera, di naman
eto hadlang sa aming relasyon, hindi ba Dad?
Syanga pala Dad, maraming CD collection si Mark, meron din syang trailer
na truck na kung saan doon kami magsasama, pinakang bahay na namin ang
trailer, at marami na rin syang stock na panggatong para magamit namin sa
buong buwan ng taglamig. Totoo na meron pa syang ibang girlfriend pero
alam ko na magiging tapat sya sa akin sa kanyang sariling pamamaraan, sa
katunayan gusto nyang marami kaming anak at eto ang isa sa aking
ambisyon.
Tinuruan na nga pala nya akong humithit ng marijuana at masarap ang
pakiramdam, sa katunayan nagtanim na sya para ipagpalit sa aming mga
kaibigan ng shabu, ecstasy na gusto namin. Dad, sana ipagdasal mo na
matuklasan na ang gamot sa AIDS para gumaling na si Mark, kasi deserving
naman sya na gumaling eh... !! Huwag kang mag alala Dad 15 years old
na ako at alam ko na kung paano pangalagaan ang aking sarili. Makikita mo
Dad, ipagmamalaki mo rin ako at balang araw bibisita kami sa inyo para
naman makilala mo ang iyong mga apo.
Nagmamahal mong anak,
Denise
PS: Dad, hindi totoo mga sinabi ko sa sulat. Nandito lang ako sa
kapitbahay, pinapaalala ko lang sa iyo na mas marami pang dapat ikatakot
sa buhay kesa aking report card na nasa drawer. Pakipirmahan na lang po
at tawagan ako kung safe na akong umuwi dyan sa bahay.
I love you...
----------------------------------------------------
i didn't made this, got this from my email