Lahat 'to around Manila and QC area lang. hehehe.
Estero Resto - Somewhere in Tomas Mapua and Ongpin (Chinatown). Mura at masarap. Kahit nasa tabi ng polluted na ilog hindi madumi. Chinese food at tama lang ang presyo. hehehe
Lola Ely's - Masarap ang luto kahit mamantika
Hua Yuen (teka Wah Yuen ata hahaha) - Along Escolta st. in Binondo. Chinese food at may kamahalan. 'Pag pasok mo kala mo nasa China ka na. hehehe. biro lang.
Wah Ying - along Benavidez st. Sta. Cruz. Masarap at halos magkasing-presyo lang ng Jollibee at Mcdo. Pero mas malaki ang serving dito at pwedeng tumambay.
Mister Kabab - isa sa Delta at isa sa sa U-belt. Ang sarap sarap pwede ka ng mamatay. hahaha. joke lang. Napakasarap ng keema nila.
Latasia - sa UP DILIMAN. A fusion of Latin + Asian cuisine. Para sa mga vegetarians o gustong maging vegetarian. Masarap ang pagkain at malaki ang serving. Mura pa.
Sige dagdagan ko na lang. Share naman kayo!!! hahaha





